Kwalipikasyon ni Leachon bilang DOH special adviser kinuwestyon ng kongresista

0
143

Kinuwestiyon ni dating health chief Iloilo Rep. (1st District), Jannette Garin, ang public health expertise ng bagong itinalagang special adviser ng Department of Health (DOH) na si Tony Leachon.

“Do you think it’s fair for the DOH to give ₱100,000 to a person whose statements were always skewed and malicious?” ani Garin kay DOH chief Ted Herbosa sa budget deliberations nitong Miyerkoles.ayon kay Garin kay DOH Chief Ted Herbosa sa mga deliberasyon ukol sa badyet nitong Miyerkules.

“I’m saying this because as a secretary of health, you have allies and colleagues with you whose tasks and functions will be affected,” dagdag pa niya.

Nalaman din ng House panel na walang masters o doctorate degree si Leachon sa public health para maituring na eksperto. 

Nalaman din ng House panel na wala siyang Master’s o Doctorate degree sa public health na magsusustento sa kanyang pagiging eksperto.

Si Leachon ay itinalaga na DOH Special Adviser para sa mga non-communicable disease noong Abril. Siya ay isang internist at cardiologist sa Manila Doctors’ Hospital at dating tagapayo ng COVID-19 task force.

“Pwede mo siyang kunin bilang personal consultant mo pero hindi mo maibibigay sa kanya ang plataporma ng Department of Health dahil ibang-iba iyon,”  sabi pa ni Garin.

Sa halip na gumastos para sa isang hindi ekspertong indibidwal sa larangan, ipinahayag ng kongresista na mas mainam na ilaan ang pondo sa mga manggagawang ng Medical Assistance for Indigents Program (MAIP).

“Malaki ang Medical Assistance program. Maraming trabaho para sa kanila… ngunit kulang na kulang sila sa mga tauhan,” ang sabipa niya kay Herbosa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.