Nakaalerto ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa posibleng pagpasok ng La Niña, na nagpapahiwatig ng mas maulan na panahon sa kalagitnaan ng taon, ayon sa pahayag ng ahensya.
Sa isang pahayag ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando, sinabi niya na itinaas nila ang La Niña Watch alert dahil sa paghina ng El Niño phenomenon sa tropical Pacific Ocean.
“Majority ng mga climate models ay nagpapahiwatig ng transition sa ENSO-neutral conditions sa loob ng April-March-May-June 2024 season,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabi naman ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Chief Ana Solis na may 55% na tsansa na magkaroon ng La Niña mula Hunyo hanggang Agosto.
“Ngayon po ay na-satisfy ‘yung established criteria ng PAGASA ENSO Alert System na kung saan La Niña Watch is being issued today because there is still a probability of more than 55% in the next six months,” ani Solis.
“With the development, the Pagasa ENSO Alert Warning System is now raised to La Niña Watch,” sabi pa niya.
Bagamat inaasahang papasok na ang tag-ulan, ayon kay Servando, patuloy pa ring mararamdaman ang mainit na panahon sa Abril at Mayo ngayong taon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo