Lab For All medical mission ni FL Marcos inilunsad sa Laguna

0
189

Santa Cruz, Laguna. Mahigit 1,000 mamamayan ang naserbisyuhan ng “Lab For All” Laboratoryo, Konsulta at Gamot medical caravan ni Unang Ginang Liza Araneta Marcos na inilunsad kahapon ng umaga sa Laguna Sports Complex, sa bayang ito.

Ang naturang medical caravan ayon sa Unang Ginang ay katuwang ang mga ahensya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Technical Education and Skills and Development Authority (TESDA), PhilHealth at Department of Health (DOH) upang higit na maging matibay at ganap na maisakatuparan ang patuloy na pagtulong sa lahat ng mamamayang Pilipino lalo’t higit ang mga may sakit.

“Nais ng ating Pangulong Bongbong Marcos na maihatid ng personal sa ating mga kababayan ang tunay na serbisyong medikal kung saan hindi na kinakailangan pang lumuwas o magtungo sa mga ospital ang mga may simpleng karamdaman dahil ilalapit sa mga mamamayan ang libreng laboratoryo, konsulta at gamot para sa mga may sakit,” dagdag pa ng Unang Ginang.

Sinalubong si Gng. Marcos nina DSWD Secretary Rex Gatchalian, TESDA Chairman Suharto Mangundadatu, DOH Secretary Ted Herbosa, at PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr.

Dumalo din sa naturang okasyon sina DSWD Usec. Pinky Romualdez at Usec Franz Imperial, mga kawani ng DOH, DSWD, TESDA At PHILHEALTH.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.