Lacson: Dapat handa ang PH sa Russia-Ukraine conflict spillover

0
437

Dapat maging ganap na handa ang Pilipinas para sa posibleng spillover sa Asia ng hidwaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon kay Partido Reporma standard-bearer Senator Panfilo “Ping” Lacson kahapon.

Idinagdag ng presidential aspirant na dapat sundin ng bansa ang usapan dahil suportado nito ang resolusyon ng United Nations General Assembly (UNGA) na kumundena sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.

Kabilang aniya dito ang pagpapahintulot sa paggamit ng mga pasilidad ng bansa ng mga kaalyado tulad ng United States.

“Nagpirma na tayo sa UNGA resolution na nakikiisa tayo sa ibang bansa sa pagkondena sa invasion ng Russia sa Ukraine. So dapat lamang na sundan natin sa gawa ang ating salita. Kung sakaling kailangan ang facilities ng Pilipinas, mapa-dagat lupa o ere, tama lang yan,”ayon sa kanyang salaysay..

Pebrero pa lang ay nanawagan na si Lacson, chair ng Senate Committee on National Defense and Security, sa mga awtoridad ng Pilipinas na paghandaan ang mga epekto ng sigalot.

Sa kasalukuyan, sinabi niya na nararamdaman na natin ang epekto ng salungatan sa ekonomiya, noong ang presyo ng gasolina ay tumataas.

Bagama’t umaasa na hindi mauuwi sa nuclear war ang Russia-Ukraine conflict, sinabi ni Lacson na mas mabuting paghandaan ng Pilipinas ang lahat ng senaryo.

“Mabuti rin na naka-ready tayo kesa mabigla tayo (It is better to be prepared than be surprised),” ayon sa kanya.

“Sa akin lagi tayong consistent dito na mainam na meron tayong kaalyado pagdating sa ating security, external threat sa atin (We must be consistent — we must maintain close ties with allies who will help ensure our security from external threats),” dagdag pa ni Lacson.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.