ANTIPOLO CITY. Nanawagan si dating senador at ngayo’y senatorial aspirant Panfilo “Ping” Lacson sa mga Pilipinong nasa Taiwan na maghanda sa posibleng pananakop ng China, kasunod ng babala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ukol sa scenario ng military conflict sa rehiyon.
Sa isang press conference ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas bago ang kanilang campaign sortie sa Antipolo City, sinabi ni Lacson na tama si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa panawagang paghahanda ng mga sundalo ng Northern Luzon Command para sa Taiwan invasion contingency.
“Gen. Brawner is right in telling the AFP to prepare. Who else can implement the evacuation plan other than those who have the equipment and capability to evacuate or at least protect our fellow Filipinos there?” paliwanag ni Lacson.
Ayon sa kanya, matagal nang may contingency plans ang Manila Economic and Cultural Office (MECO) para sa mga Pilipino sa Taiwan kung sakaling lumala ang tensyon.
“MECO has long devised a plan for possible contingencies including the evacuation of our overseas Filipino workers there,” ani Lacson.
“These plans take into account the possibility of such an invasion from China,” dagdag pa niya.
Giit pa ni Lacson, kung may ganitong paghahanda ang MECO, nararapat lamang na magkaroon din ng mindset na ganoon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan.
Nauna nang ipinaliwanag ni Gen. Brawner na ang kanyang direktiba ay hindi bunga ng isang “imminent threat” kundi isang “prudent measure” lamang upang paghandaan ang anumang maaaring mangyari.
“Non-combatant evacuation operations preparedness” aniya ang layunin ng AFP, lalo’t nasa 250,000 OFWs ang kasalukuyang nasa Taiwan at dapat tiyaking ligtas kung sakaling lumala ang tensyon.
Ang panawagang paghahanda ay kasunod ng hakbang ng China na magpadala ng kanilang army, navy, air at rocket forces sa paligid ng Taiwan upang magsagawa ng military blockade drills.
Tinuturing ng Beijing ang Taipei bilang isang “renegade province” at patuloy ang hangarin nitong maisailalim ang isla sa kontrol ng mainland China. Matatandaang humiwalay ang Taiwan sa mainland noong taong 1949 matapos ang Chinese civil war.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.