Lacson nag-resign sa Partido Reporma, tuloy ang laban bilang independent

0
317

Nagbitiw bilang chairperson at miyembro ng Partido Ng Demokratikong Reporma si presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson kahapon at sinabing tatakbo na siya ngayon bilang independent candidate sa May 9 elections.

Sa isang pahayag, sinabi ni Lacson na nagdesisyon siyang magbitiw sa partido matapos siyang makakuha ng impormasyon na ang slate ng partido sa Davao del Norte ay mag-endorso ng isa pang kandidato sa pagkapangulo.

“Yesterday (Wednesday) I was informed by the party president, former Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, that their slate in Davao del Norte, led by the party secretary-general and Provincial Governor Edwin Jubahib, has decided to endorse another presidential candidate,” ayon kay Lacson na walang ibinigay na iba pang detalye.

Sa pagsasabi na ang ang kanyang desisyon na tumakbo bilang party standard-bearer ay ginawa sa  “utos ng mga nangungunang opisyal na ito”,  sinabi ni Lacson na nararapat lamang na magbitiw siya upang panindigan ang kanyang mga prinsipyo.

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, sinabi niya na itutuloy niya ang kanyang kampanya sa pagkapangulo.

“In the face of these recent developments, allow me to say, like a true-blooded warrior that I am all my life, I will continue this fight in pursuit of my quest to serve my country and our people, as your Chief Executive – if God and the Filipino people will it, come May 9, 2022,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Lacson na wala siyang sama ng loob kay Alvarez, Jubahib, at sa iba pang mga kandidato nito sa Davao del Norte.

“Sa lahat ng miyembro at kandidato ng Partido Reporma sa labas ng Davao del Norte (To all members and candidates of Partido Reporma outside of Davao del Norte) – who joined the party because of our shared advocacy to fight graft and corruption in pursuit of good governance, all for the sake of our beloved country and people – with or without party affiliation – I am not leaving you behind. I assure you that I will be your leader and supporter in our shared convictions and aspirations. Magkakasama pa rin tayo sa laban na ito. Tulad ng paulit-ulit kong sinasabi, tuloy ang laban hanggang sa dulo! (We are still together in this fight. Like what I always said, we will continue the fight until the end) God bless our beloved Philippines,” dagdag pa ni Lacson.

Nagbitiw din si dating Magdalo party-list representative Ashley Acedillo bilang tagapagsalita ng partido, kasunod ng hakbang ni Lacson.

“In view of Senator Panfilo “Ping” Lacson’s resignation as Chairman of Partido Reporma, and given the fact that I am totally committed to support him in his candidacy for President, I am also tendering my resignation as the party spokesman effectively immediately. I shall continue, henceforth, to support and campaign for Ping Lacson in his campaign for the presidency as his official spokesman,” ayon sa statement ni Acedillo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.