Laging dalhin ang vax card: paalala ng PNP sa mga biyahero

0
181

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ang lahat ng mga motorista at commuter na bumabiyahe sa loob at labas ng Metro Manila at mga karatig probinsya na laging dalhin ang kanilang vaccination card na maaaring kailanganin sa pagpasok sa mga border control points.

Ito ay matapos atasan ang mga tauhan ng pulisya na suriin ang proof of vaccination ng mga papasok na biyahero sa ilang lungsod sa Metro Manila at mga karatig na bayan sa lalawigan ng Bulacan na kasalukuyang nasa Alert Level 3 status.

“Those without vaccination cards will be barred from entering and will be asked to go back. The PNP is fully aware that movement must not be hampered, but non-essential travel can be controlled. Just stay at home at this time when you have nothing important to do outside,” ayon kay  PNP chief, Gen. Dionardo Carlos sa kanyang statement.

Ang panukala ay bilang pagsunod sa hakbang ng mga mayor ng Metro Manila na higpitan ang pampublikong paggalaw ng mga hindi pa nababakunahan.

Patuloy na sinusuri ng PNP ang sitwasyon araw-araw. Kung kinakailangan, mas maraming tauhan ng pulisya ang maaaring italaga sa mga checkpoint na may mabigat na bulto ng mga sasakyan, ayon sa report.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo