Laguna, Cavite at Rizal, kabilang sa isinailalim sa Alert Level 3

0
355
Cropped photo of young friends sitting in cafe while drinking alcohol. Focus on glasses of beer.

Maynila. Inilagay sa  alert level 3 ang Laguna ayon sa utos ng pamahalaan na simulan na ang pagpapa iral ng Alert Level System sa 14 a lalawigan at limang lungsod mula Oktubre 30 hanggang 31.  

Ang Alert Level System ay itinulak ng bumaba ng  bilang ng araw na araw na kaso ng Covid-19 sa bansa at pagdamii ng bilang ng Pilipino na nabakunahan na.

Ini anunsyo ni Spokesman Harry Roque kahapon ang pagsasailalim sa alert level sa mga sumusunod  na lalawigan at lungsod:

Alert Level 4 – Negros Oriental, Davao Occidental

Alert Level 3 – Laguna, Cavite, Rizal, Siquijor, Davao City, Davao del Norte

Alert Level 2 – Batangas, Quezon province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu province, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao Oriental.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang oras ng curfew ay mula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng madaling araw. Ang pagbili ng alak at anumang inuming nakalalasing ay pinahihintulutan ng walang pagtasa maliban kung bibilhin ito sa labas ng mga oras ng curfew at sa kundisyon na ito ay iinumin sa loob ng bahay ng walang bisita o iba pang hindi kasamang nakatira sa bahay. Maliban sa emergency, lahat ng public utility tricycle ay maaari ng  magsakay ng dalawang pasahero, isa sa loob at isang naka angkas.

Sa Batangas, Quezon, Bohol at Cebu ay pinahihintulutan ng magbukas ang mga playground, karaoke bar, clubs at sinehan sa ilalim ng Alert Level 2.

Cropped photo of young friends sitting in cafe while drinking alcohol. Focus on glasses of beer.
Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.