Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force kahapon, Nobyembre 13, 2021 ang paglalagay sa mga sumusunod na lungsod, bayan at rehiyon sa bagong Alert Levels. Ang Laguna, Cavite, Batangas, Rizal, Quezon at Lucena City sa Region 4A ay nasa sa ilalim na ng Alert Level 2 mula bukas, Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Ang Catanduanes ay nasa Alert Level 4 mula Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021. Ang Baguio City sa Cordillera Administrative Region at Siquijor sa Region VII ay ilalagay sa Alert Level 3 mula Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Ilalagay din sa ilalim ng Alert Level 3 ang Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya sa Region II at ang City of Isabela at Zamboanga City sa Region IX mula Nobyembre 17, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.
Samantala, nasa Alert Level 2 na rin simula ngayon araw, Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 30, 2021 ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Dagupan at Ilocos Norte sa Region I; Tacloban, Southern Leyte, Samar (Western Samar), Ormoc City, Eastern Samar, Northern Samar, Leyte and Biliran sa Region VIII; South Cotabato, Sarangani, General Santos City, Sultan Kudarat, at Cotabato (North Cotabato) sa Region XII.
Inilagay naman sa Alert Level 2, mula Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021 ang National Capital Region; Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Bacolod City, Iloilo City, Negros Occidental, Capiz, Antique, Aklan, Iloilo Province at Guimaras sa Region VI; Negros Oriental, Lapu-Lapu City, Cebu City, Mandaue City, Cebu Province at Bohol sa Region VII; Cagayan de Oro City, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Bukidnon, Camiguin, Misamis Oriental at Iligan City sa Region X; at Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao City, Davao del Sur at Davao Oriental sa Region XI.
Nasa ilalim din ng Alert Level 2, effective Nobyembre 17, 2021 hanggang November 30, 2021 ang City of Santiago, Cagayan at Isabela sa Region II; Albay, Sorsogon, Naga City, Camarines Sur, Camarines Norte at Masbate sa Region V; Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Sur sa Region IX.
Sandy Belarmino
Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV. Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.