Laguna, Cavite, Rizal, Batangas, Quezon Province inilagay sa Alert Level 2 hanggang Peb. 28

0
473

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon na panatilihin ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 2 status hanggang sa katapusan ng Pebrero, sinabi ng Malacañang nitong Lunes.

Sa isang pahayag, sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles maliban sa Metro Manila, isasailalim din sa Alert Level 2 ang iba pang lugar mula Pebrero 16 hanggang 28.

Ang mga lugar sa Central Luzon na isinailalim sa Alert Level 2 hanggang Pebrero 28 ay ang Laguna, Cavite, Rizal, Batangas, Lucena City and Quezon Province sa Region 4-A (Calabarzon); Marinduque, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Puerto Princesa City at Romblon sa Region 4-B (Mimaropa.

Sa ilalim ng Alert Level 2, ang maximum operational capacities para sa ilang negosyo at aktibidad ay 50 percent para sa indoor venues, fully vaccinated persons, at mga mas mababa sa 18 years old, kahit hindi pa nabakunahan at 70 percent para sa outdoor venues basta lahat ng manggagawa ng establishments ay ganap na inoculated laban sa Covid-19.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.