Laguna Gov. Hernandez, nanumpa sa tungkulin

0
685

Sta. Cruz, Laguna. Nanumpa sa tungkulin si Governor Ramil Hernandez bilang ika-18 gobernador ng lalawigan ng Laguna sa pangunguna ni Sta. Cruz RTC Executive Judge Divinagracia G. Bustos-Ongkeko sa Sentrong Pangkultura noong Hunyo 27,  2022.

Ang nakamit na 872,378 boto mula sa mga Lagunense ay higit na nagpaigting sa determinasyon ni Hernandez na maipagpatuloy ang Serbisyong Tama sa lalawigan, ayon sa kanya sa kanyang mensahe..

Nagpasalamat siya kanyang pamilya at sa mga mamamayan sa patuloy na pagtitiwala na ipinagkaloob sa kanya.

Nangako ang gobernador na ang kanyang huling termino ay higit pniyang ag uukulan niya ng ibayong paglilingkod sa taumbayan.

“Makakaasa ang mga Lagunense na ipagpapatuloy niya ang matapat at may pusong paghahatid ng serbisyo publiko lalo’t higit ang mga nasa laylayan ng lipunan,” ayon kay Hernandez..

Kasabay nito ay nanumpa din sa tungkulin Laguna Rep. (LAguna 2nd District) Ruth Mariano-Hernandez, Vice Governor Atty. Karen Agapay, at mga bokal ng una hanggang ika-apat na distrito ng Laguna.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.