Sta. Cruz, Laguna. Itinaguyod ng Laguna Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang isang dayalogo kasama ang mga lokal na konseho at tanggapan ng DRRM (LDRRMCs/LDRRMOs) sa Laguna Cultural Center noong Nobyembre 22, 2022.
Sa pamumuno at gabay ni PDRRMC Chairperson Laguna Gov. Ramil L. Hernandez at Provincial Administrator Atty. Dulce H. Rebanal, ang dayalogo ay nagsilbing isang mahusay na pagkakataon sa pagbabahagi ng mga impormasyon na nagbigay ng mahusay at epektibong mga serbisyo hinggil sa katatagan sa panahon ng kalamidad.
Layunin nitong patuloy na isulong at i-highlight ang inter-agency na bunga ng sama-samang pagsisikap sa loob ng Lalawigan ng Kabilang din ang pagbibigay-diin sa papel ng mga local government units bilang mga first responder at frontliners kung sakaling magkaroon ng krisis o kalamidad.
Resource speakers na naghatid ng mga kaalaman at mahahalagang lecture sina OIC-PG ENRO at FAES-OPAg Head Marlon Tobias, Serbisyong Tama Action Center Head Frederick Caraan, Asst. Provincial Epidemiology and Surveillance Unit Coordinator Adrian Dalisay, OPSWD Head Lucia Almeda at Asst. Head. Felicitas Brion.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.