Laguna PNP: Lumagda sa Pledge of Commitment para sa ligtas na lokal at pambansang Eleksyon 2022

0
320

Sta. Cruz, Laguna. Inilunsad ng Laguna Police Provincial Office sa pamumuno ni PCOL Rogarth B. Campo, Acting Provincial Director, ang Secure, Accurate, Free/Fair Election (SAFE) National and Local Elections (NLE) 2022 na isang replikasyon ng KASIMBAYANAN para sa SAFE 2022, kasama ang AFP, COMELEC, PCG, BFP, NGOs, at religious leaders sa isang prayer rally kanina, Pebrero 18, 2022 sa covered court ng Kampo Heneral Paciano Rizal sa bayang ito.

Ang programa ay dinaluhan ni Rev. Fr. John Lino L. Calampiano, Coordinator of NAMFREL/PPRCV, Dr. Gigi G. Janairo, Provincial DOH Officer, DILG Engr. John M. Cerezo, Provincial Director-DILG, Laguna, CG LTJG Mark Anthony A Cuevillas, Station Commander, Coast Guard Station, BGEN CERILO C BALAORO JR, 202 Brigade Commander, PA, at Atty. Arnulfo H. Pioquinto, Provincial Election Supervisor. 

Nagsimula ang programa sa interfaith prayer nina Rev Fr (PCOL) RONILO A DATU, Chief, Regional Pastoral Office, Calabarzon, Imam Sadam Abdula Sarip, Imam Muslim Community, Sta. Cruz, Laguna, at Pastor Jucel Ronie C. Arceo, Living Water Baptist Church at RMFB values/life coach coordinator. Bahagi ng kaganapan ang mensahe ng mga pinuno ng relihiyon na sinundan ng pagsisindi ng kandila at paglalagay ng S.A.F.E. 2022 pin.

Ang highlight ng event ay ang paglagda sa manifesto ng mga miyembro ng PNP, AFP, COMELEC, National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL), Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at mga lider ng relihiyon at komunidad. Isa-isa silang nagpahayag ng kanilang suporta at pangako sa isang ligtas na NLE 2022 na ipinagkaloob sa pamamagitan ng basbas ng mga pinuno ng relihiyon na sina Rev Fr (PCOL) Ronilo A Datu, Imam Sadam Abdula Sarip, at Pastor Jucel Ronie C. Arceo.

Nagtapos ang programa sa pagpapakawala ng mga kalapati bilang tanda ng ligtas at malayang halalan.

Ang KASIMBAYANAN (Kawani, Simbahan at Pamayanan) ay isang programa ng PNP na naglalayong pangalagaan at protektahan ang integridad ng nalalapit na Pambansa at Lokal na Halalan sa Mayo 2022 sa pamamagitan ng interfaith prayers. Ito rin ay nagsisilbing venue upang tipunin ang mga stakeholder para sa kanilang pampublikong deklarasyon ng pledge of commitment para sa non-partisan at mapayapang halalan.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.