Laguna PNP Manhunt ops: 4 na Most Wanted arestado

0
311

Iniulat ni Laguna Police Acting Provincial Director PCOL Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director PBGEN Eliseo Cruz ang pagkakaaresto sa apat (4) na most wanted sa magkahiwalay na operasyon ng Laguna PNP noong Disyembre 29, 2021.

Kinilala ni PCOL Campo ang mga nadakip na sina Jose Pimentel, male, 37taon, may asawa at residente ng Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna; Robin Volfango, 51 anyos, may asawa, isang seaman at residente ng Brgy. Lamesa, Calamba City, Laguna (Rank No 7 City Level); Tychicus Nambio, 45 taon, binata at residente ng Pacita Complex 1, San Pedro City, Laguna; at Jofer Fernandez 38 taon, may asawa, company coordinator, at residente ng Brgy.Pooc, Sta. Rosa City, Laguna (Rank No.10 MWP-City Level).

Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Arnel Pagulayan, hepe ng Calamba City Police Station , arestado si Jose Pimentel, Most Wanted Person sa krimeng qualified rape (2 counts) noong Disyembre 28, 2021, sa Brgy. Baclaran, Cabuyao City, Laguna.

Sa isang bukod na operasyon ng Calamba CPS, inaresto ang akusado na si Robin Volfango (Rank No 7 City Level) Most Wanted Person, dahil sa two counts ng paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence against Women and their Children noong December 28, 2021, sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna

Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Giovanni S. Martirez ng Binan CPS, inaresto ang akusado na si Tychicus Nambio, Most Wanted Person sa krimeng Syndicated Estafa noong Disyembre 28, 2021, sa Brgy. Poblacion, San Pedro City, Laguna.

Sa ilalim naman ng direct supervision ni Acting COP PLTCOL Paulito M. Sabulao ng Sta Rosa CPS under the direct supervision of -Acting COP, arestado ang akusado na si Jofer Fernandez, (Rank No.10 City Level), Most Wanted Person for the Violation of RA 9262 o Anti Violence Against Women and their Children Act of 2004 noong December 28, 2021 sa Brgy. Mamplasan, Biñan City, Laguna

Ang mga naaresto ay nasa pansamantalang pangangalaga ng kani-kanilang himpilan ng pulisya at ang mga court of origin ay aabisuhan hinggil sa pagkaka aresto sa mga nabanggit na wanted persons.

Pinupuri ni Campo ang mga tauhan ng PNP ng Laguna sa kanilang accomplishment lalo na sa kampanya nito laban sa mga wanted person. “Laguna Police will continue to hunt down wanted criminals even they hide in distant areas,” ayon sa kanya.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.