Laguna PNP, marubdob na nagdiwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan

0
640

Sta. Cruz, Laguna. Ipinagdiwang ng mga alagad ng batas ng Laguna ang Araw ng Kalayaan kanina sa Kampo Heneral Paciano Rizal, Brgy Bagumbayan Sta Cruz Laguna, sa  pangunguna ni Police Colonel Cecilio R. Ison, Jr. kasama ang mga opisyal ng nabanggit na provincial police office. 

Binuksan ng mga pulis ang seremonya sa pagtataas ng watawat ang selebrasyong may temang “Pag-suong sa Hamon ng Panibagong Bukas”. 

Nagpalipad ang mga opisyal ng mga puting kalapati bilang simbolo ng kalayaan sa pagdiriwang at pag alala sa kabayanihan ng mga lumaban sa mga dayuhang mananakop para sa kalayaan ng bans.

“Kasama sa mga ginugunita natin, hindi lamang ang mga kilalang bayani, kundi pati ang mga kasamahan nating nagsilbing haligi ng kalayaan. Sila ang mga kapwa pulis natin na nagbuwis ng buhay sa gitna ng laban at panganib na dala ng pandemya, kriminalidad at giyera. Sila ang matatawag nating mga bayani ng makabagong panahon,“ yyon sa mensaheng ni OIC Chief PNP Police Lieutenant General Vicente D. Danao, Jr.

“Sama-sama nating isulong ang pagkakaisa, at sama-samang nating paigtingin ang ating misyon tungo sa kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan ng Laguna,: ayon naman kay Police Colonel Cecilio R. Ison, Jr.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.