Laguna PNP, sumuong kay Paeng sa pagresponde

0
512

Sta. Cruz, Laguna. Rumesponde sa mga nasalanta ng bagyong “Paeng” ang mga tauhan ng Laguna Police Provincial Office sa pangunguna ni Officer -in-Charge PCOL Randy Glenn G. Silvio mula noong Oktubre 29 ng magsimulang magparamdam ang bagyo sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services and Administration o ang PAGASA, bandang 9:28 ng umaga idineklarang signal number 3 ang lalawigan ng Laguna at nag abiso na ang Laguna ay kabilang sa isinailalim sa “Orange Rainfall Alert.” 

Maraming bayan ang naapektuhan ni Paeng, kabilang dito ang bayan ng Sta. Cruz kung saan nakabase ang Laguna Police Provincial Office.

Sa gitna ng masungit na panahon, nanguna si Silvio sa pagresponde at pagtulong sa mga bayan na nasalantasa pamamagitan ng road clearing operation sapagkat maraming puno ang natumba dulot ng malakas na hangin na dala ni Paeng at search and rescue operation sa buong lalawigan ng Laguna. Nagsagawa din ang Laguna PNP ng retrieval operation sa bayan ng San Pedro City. 

“Sa kabila ng bagyo, ang Laguna PNP ay laging handa para sa ika-aayos ng lalawigan ng Laguna,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.