Laguna Police PD, inalis sa pwesto

0
190

STA. CRUZ, Laguna. Nagpalit ang liderato ang kapulisan sa Laguna Police Provincial Office. Ayon sa impormasyong natanggap ng mga opisyal, isinagawa ang ang isang biglaang turnover of command noong hatinggabi ng Miyerkules at umaga ng Huwebes sa pagitan nina Col. Harold Depositar at bagong talagang Laguna police director na si Police Col. Gauvin Mel Yamashita Unos.

Sa isang police memorandum na ipinadala mula Camp Crame, nakasaad ang termination of designation ni Col. Harold Depositar simula Enero 24, 2024. Si Col. Depositar ay nagsimula sa kanyang puwesto bilang acting police director noong Hulyo, kung saan siya ay pumalit kay Col. Randy Glenn Silvio, ang kasalukuyang chief of staff ng Police Regional Director ng National Capital Region.

Walang pang impormasyon kung saan malilipat si Col. Depositar matapos siyang matanggal sa puwesto.

Sa ngayon, wala pang paliwanag mula sa matataas na opisyal ng kapulisan sa Camp Paciano Rizal hinggil sa diumano ay sulat mula sa tanggapan ni Laguna Governor Ramil Hernandez. Tinanong ng ilang miyembro ng media ang posibilidad na may kaugnayan ang sulat sa pagkakatanggal kay Col. Depositar, ngunit wala pang opisyal na pahayag hinggil dito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.