Sta. Cruz, Laguna. Arestado ng Laguna Police Office ang dalawang lalaking akusado hinggil sa malaswa at bastos na gawain sa magkakahiwalay na manhunt operations na isinagawa noong Marso 16 sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng mga korte laban sa kanila.
Huli si Pablo Talagtag Balleras 64 taong gulang na magsasaka sa San Isidro, Brgy. Balian, Pangil, Laguna ng mga tauhan ng Pangil Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Berlin I Allan, Acting Chief of Police kasama ang mga operatiba ng RID 4A RIT Laguna/Rizal. Ang akusado ay rank 13 sa listahan ng Most Wanted Person (MWP) sa Calabarzon dahil sa limang kaso ng Acts of Lasciviousness.
Kasabay nito ay inaresto ng Famy Municipal Police Station sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Captain Abelardo D Jarabejo III, Acting Chief of Police si Dexter Vita Salisi, 39 taong gulang, sa Brgy Salang Bato, Famy, Laguna sa kaso ring Lascivious Conduct. Ang akusado ay Top 5 sa MWP list ng Laguna Police Provincial Office (PPO).
Arestado din ng Calamba City Police Station (CPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt. Col Arnel Pagulayan, Chief of Police, si Jude De Leon, 24 anyos, isang production operator sa Brgy. Real, Calamba City, sa kasong paglabag sa Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004 (VAWC Act). Ang akusado ay rank number 9 MWP ng Calamba CPS.
Dinala ang mga nahuling MWP sa himpilan ng pulisya na nakasasakop habang inihahanda ang ulat sa pagbabalik ng warrant of arrest sa mga korte kung saan sila ay nakahabla, ayon sa ulat ni Laguna Police Provincial Director, Police Col. Rogarth B. Campo kay CALABARZON Regional Director, Police BGen Antonio C. Yarra.
“We are continuously pressing on our campaign to eradicate all forms of criminality including intensification of manhunt operations against wanted persons within the Province.” ayon kay Campo.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.