Laguna PPO, nagdiwang ng ‘My Brother’s Keeper’ ngayong Valentine’s Day

0
273

Sta. Cruz, Laguna. Ipinagdiriwang ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng pamimigay ng 265 na sako ng bigas sa mga tauhan ng Police Provincial Headquarters kaninang umaga Camp BGen Paciano Rizal, Brgy. Bagumbayan sa bayang ito.

Pinangunahan ni PCOL Rogarth B. Campo ang pamamahagi ng isang sakong bigas kada tauhan sa ilalim ng pang-Valentine’s Day na proyektong ‘My Brother’s Keeper’ o MBK.

Layunin ng nabanggit na proyekto na palakasin ang moral at kapakanan ng mga uniformed at non-uniformed personnel gayon din ang pagtataguyod ng isang conducive workplace sa nabanggit na police office.

Kasabay nito, hinimok ng PCOL Campo ang mga tauhan ng pulisya na paigtingin ang pagbibigay ng mga serbisyong pangkaligtasan at seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad sa pagganap ng tungkulin ngayong Valentines day.

“This year I prefer to give rice to our personnel instead of flowers so that it can be extended to the families of our personnel who are not at home to celebrate but rather, in the offices and streets to serve the people especially during holidays,” ayon sa mensahe ni Campo.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.