Lahat ng opisyal ng DPWH nagsumite ng courtesy resignation — Dizon

0
376

MAYNILA. Kumpirmado na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nakatanggap ng courtesy resignations mula sa lahat ng opisyal nito, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon sa kanyang pagharap sa House Committee on Appropriations.

“100% na pong nag-submit, at we are now in the process of reviewing [their courtesy resignations],” pahayag ni Dizon.

Dagdag ng kalihim, nasa proseso na sila ng pagsusuri sa mga resignation at mayroon na ring ilang opisyal na tinanggal at pina-dismiss.

“Kahapon lang po, mayroon na po tayong mga tinanggal at pina-dismiss at makakaasa pa po tayong merong mga susunod po sa mga susunod na araw at susunod na linggo,” ani Dizon.

Iginiit din ni Dizon na kanyang ipinahinto ang imbestigasyon ng Anti-Corruption Task Force ng DPWH upang matiyak na isang independent body ang magsasagawa ng pagsisiyasat sa umanong multi-bilyong pisong anomalya sa mga ghost flood control projects.

Binigyang-diin ng kalihim na ang ganitong uri ng katiwalian ay nagiging posible lamang sa pamamagitan ng pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling opisyal, kontraktor, at Local Government Units (LGUs).

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo