TRECE MARTIRES CITY, Cavite. Isang lalaki ang nasa kritikal na kalagayan matapos barilin sa mukha sa harap ng kanyang kasintahan, nangyari nitong nakaraang araw sa Brgy. Aguado, sa lungsod na ito sa Cavite.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Efren, residente ng South Summit, Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite. Siya ay kasalukuyang nagpapagaling sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital matapos ang insidente.
Hindi natukoy ng awtoridad ang suspek, na agad na nakatakas dala ang armas na ginamit pagkatapos ng krimen.
Sa imbestigasyon, 8:45 ng umaga, habang sila ay nasa loob ng kanilang tahanan, biglang pumasok ang suspek sa likurang pinto. Agad na binaril ang biktima sa mukha saka tumakas.
Nagsisigaw ang karekasyon ng biktima at humingi ng tulong, at nadala naman ang biktima sa nasabing ospital, kung saan siya ay kasalukuyang inoobserbahan ng mga doktor.
Patuloy na isinasailalim sa imbestigasyon ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang motibo at mahuli ang suspek.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.