Lalaki na kilalang may patong-patong na kaso, natagpuang patay sa Cavite

0
143

DASMARIÑAS CITY, Cavite. Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na dating nakulong at naharap sa iba’t ibang kaso sa isang compound sa Brgy. Sta. Lucia, lungsod na ito.

Kinilala ang biktima bilang si alyas Juancho, na ayon sa ulat, ay dating nakulong at sangkot sa iba’t ibang kaso batay sa record ng pulisya.

Bandang 5:00 ng umaga, natagpuan ang bangkay ng lalaki na nakabulagta sa harap ng bahay ng isang residente sa lugar. Wala namang nakitang sugat o tama ng bala sa katawan ng biktima, na pinaniniwalaang ilang oras nang patay.

Napag-alaman na ang biktima ay dating nakulong dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at mga kasong robbery.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at upang matukoy ang mga responsable sa krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.