Lalaki, patay matapos masagasaan ng dalawang beses

0
257

San Pablo City, Laguna. Patay ang isang lalaki matapos masagasaan ng dalawang beses sa Maharlika Highway sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima na kinilalang si Rey Concon na nagtamo ng malubhang pinsala dahil sa dalawang ulit na pagkakasagasa.

Ayon sa report ng San Pablo City Police Station, tumatawid ang biktima sa highway ng mabundol ito sa unang pagkakataon ng isang kulay asul na Ford Everest samay Brgy. San Francisco Calihan. Tinigilan naman ito ng nakabundol na sasakyan at saglit na bumaba ang drayber subalit kaagad din itong sumakay at pinatakbo na ang sport utility vehicle patungo sa direksyon ng Tiaong, Quezon.

Habang nakahandusay ang biktima sa gitna ng kalsada, nasagasaan naman ito ng isa pang kotse na minamaneho naman ni Joseph Magracia. Ayon kay Magracia, hindi niya nakita ang nakahigang biktima dahil madilim ang bahagi ng highway at nasilaw siya sa ilaw ng mga kasalubong na sasakyan.

Kusang loob itong sumuko sa pulisya samantalang inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng motoristang unang nakasagasa sa biktima.

Sinampahan ng kasong  Magracia reckless imprudence resulting to homicide sa San Pablo City Prosecutor’s Office.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.