Lalaki, patay sa baril sa kaanak ng kanyang nobya

0
292

Imus City, Cavite.  Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa parking lot ng isang palengke sa lungsod na ito sa Cavite.

Nag-ugat daw ang krimen nang bawiin ng biktima ang kaanak nitong babae na itinanan umano ng suspek.

Kinilala ni Imus City Poilice Station PltCol Jun C. Alamo ang biktima na si Saiden Emam Paino, stall owner sa palengke ng Imus.

Nakatakas naman ang suspek na si Badro Sidik Saripada, na stall owner din sa naturang palengke.

Sa kuha ng CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen, makikita ang biktima na pumunta sa nakaparada niyang van.

Bigla namang sumulpot ang suspek at doon na diumano dalawang beses na binaril sa likod ni Saripada si Paino.

Ayon kay Alamo, hepe ng Imus police, nag-ugnat ang krimen ng bawiin ng biktima ang kaanak nito na nobya at diumano ay itinanan ng suspek.

“Yung babae kinuha nila (panig ng biktima) parang binawi. Sa pagkakataong ‘yon, nagkaroon ng konting away, bugbugan,” ayon kay Alamo.

Sinabi ni Alamo na murder ang ikakaso dahil pinagplanuhan ang pagpatay sa biktima.

“Kasi dalawang beses niya nang hinanap ‘yang tao na ‘yan according dun sa witness,” dagdag pa ni Alamo na humingi rin ng tulong sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang madakip ang suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.