Lalaki, pinatay dahil sa utang

0
279

SAN FRANCISCO, Quezon. Patay ang isang 45 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng apat na kalalakihan sa Barangay Pagsangahan nitong Miyerkoles ng hapon, Nobyembre 29.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Ricky Aniban na residente ng Sitio Tumbaga, sa nabanggit na barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Francisco Municipal Police Station, habang minamaneho ni Aniban ang kanyang motorsiklo kasama ang asawa bilang back rider, biglang hinarang ng apat na suspek ang kanilang daanan saka bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinaputukan ang biktima sa ulo, na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa karagdagang imbestigasyon, lumutang na ang motibo ng pag atake ay ang hindi pa nababayarang utang ng biktima.

Dahil sa kalayuan ng lugar, na may 53 kilometro ang layo mula sa istasyon ng pulisya, dumating ang mga pulis ilang sandali matapos ang krimen.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis upang kilalanin at dakipin ang mga suspek.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.