Lalaki, pinatay ng dalawang bayaw sa Quezon

0
164

TIAONG, Quezon. Pinagtulungang gulpihin at saksakin hanggag mamatay ng dalawang bayaw ang isang lalaki kamakalawa sa isang insidente na sa Sitio Silangan, Barangay Tamisian sa bayang ito.

Ang biktimang si Rogelio Perigreno, 34, isang obrero, ay hindi na umabot ng buhay sa ospital matapos tamaan ng sunud-sunod na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kasalukuyang tinutugis ng mga otoridad ang dalawang suspek na kinilalang sina Noriel at Wilson Pira.

Ayon sa imbestigasyon ng Tiaong Municipal Police Station, bandang alas-5:00 ng hapon kamakalawa, nakipag-inuman si Perigreno kay Noriel. Ngunit nang tumanggi na sa tagay ang biktima noong ito ay malasing, nagalit si Noriel at ginulpi ang bayaw.

Dahil sa ingay, nagising si Wilson mula sa kanyang pagkakatulog at agad na bumangon. Ibinuhos nito ang init ng ulo at pinagsasaksak ang kanyang bayaw bago agad na tumakas kasama ang kanyang kapatid.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.