Lalaki, pinatay ng security staff ng industrial park sa Laguna

0
386

CALAMBA CITY, Laguna. Patay agad ang isang lalaki matapos barilin ng security personnel habang nasa labas ng bakod ng isang industrial park sa lungsod na ito noong Sabado ng hapon.

Sa ulat, dalawang lalaking construction workers ang nagpapahinga sa gilid ng bakod sa labas ng industrial park sa Barangay Batino, Calamba City nang biglang lumapit ang mga security personnel upang sila’y itaboy. Ayon sa mga nakuhanang video ng insidente, nagkaroon ng pagtatalo ang mga ito ay nagpaliwanag ang mga lalaki na wala naman sila sa loob ng industrial park kaya pwede silang magpahinga sa lugar.

Sa kabila ng kanilang paliwanag, bigla na lamang binaril ng isa sa mga security guard ang isa sa mga lalaki, na agad nitong ikinamatay. Nakita sa video na hindi man lang nagbigay ng babala ang security guard bago ito namaril.

Ang dalawang security guard na sangkot sa insidente ay agad tumakas sa pamamagitan ng main gate ng industrial park. Samantala, naaresto ng mga pulis mula sa Calamba Component City Police Station ang isa sa mga suspek habang ang isa pa ay patuloy pang pinaghahanap.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.