Lalaki pinatay sa backhoe dahil sa pautang

0
119

TANAY, Rizal. Brutal na pinatay ang isang lalaki gamit ang matatalim na bucket ng backhoe ng isang operator na kanyang sinisingil sa pagkakautang sa Brgy. Tandang Kutyo, bayang ito noong Biyernes.

Ayon sa ulat ng Police Regional Office Calabarzon, ang katawan ng biktima na si Melvin Tical ay nagutay sanhi ng matatalim na bucket ng backhoe.

Bandang 10:00 ng umaga, pumunta si Tical sa excavation site upang singilin ang backhoe operator na kinilala lamang na si “Domeng” sa Sitio Suyok, Brgy. Tandang Kutyo, Tanay.

Sa hindi pa malamang dahilan, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng suspek dahil sa hindi pagtupad ng huli sa kasunduang bayaran ang inutang na pera.

Sakay noon sa kanyang ino-operate na backhoe ang suspek nang maganap ang insidente. Pinaandar niya ito sa intensyon na patamaan ng buckhoe ang biktima ng dalawang beses, Dahil dito, ng nagkahiwa-hiwalay ng katawan ng biktima.

Dahil sa tindi ng pinsala, agad na binawian ng buhay ang biktima.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa kasong murder ang suspek matapos itong arestuhin ng mga awtoridad.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.