Lalaking nagnanakaw ng niyog, patay matapos mabaril ng pulis

0
355

BURDEOS, Quzon. Nabaril at napatay ng pulis ang isang lalaki matapos mahuling nagnanakaw ng bunga ng niyog sa Sitio Katubong, Brgy. Caniwan sa bayan na ito, kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Randy Velasco, 40 anyos na residente ng Sitio Carbubulo, Barangay Cabugao. Ang pulis na nakapatay sa kanya ay si PCpl. Jeffrey Lopez, miyembro ng Burdeos PNP, ay boluntaryong sumuko.

Ayon kay PCapt. Benito Nivera, hepe ng pulisya dito, sina Cpl. Lopez at Bryan Angelo Regidor ang sumakay sa dalawang bangka at nagtungo sa Brgy. Caniwan upang tugunan ang report ng pagnanakaw ng mga bunga ng niyog na pag aari ni Hervie Gonzales.

Nahuli ng dalawang pulis sa aktong nagnanakaw ng niyog ang suspek, bandang alas-4:00 ng hapon.

Nagpakilala si Cpl. Lopez, ngunit sinugod siya nito kaya binaril niya sa paa. Sa halip na huminto, patuloy na umatake ang suspek kaya’t binaril na ito ng pulis sa katawan.

Dinala ang suspek sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.