Lalaking nahulog sa balon, iniligtas ng aso

0
359

Amadeo, Cavite. Natagpuan ang isang lalaki sa hukay na may lalim na 25 talampakan matapos maamoy ng aso at hindi tinigilan ng katatahol hanggang mapansin at sumilip sa balon ang mga kapitbahay sa Brgy. Banay banay, bayang ito.

Kinilala ni FO4 George Mojica ng Amadeo Municipal  Fire Commander ang biktima na si Edison Sanay Jr. 25 na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay Mojica, isang residente ang nagsadya sa kanilang tanggapan at inulat na may tinig na na nangagaling sa balon at humihingi ng tulong. Diumano ay napasilip sila sa hukay dahil walang tigil na tinatahulan ito ng isang asong kalye.

Nagsagawa ng rescue operations ang tanggapan ng bumbero at iniahon sa hukay ang biktima.

Linggo pa nawawala ang lalaki, ayon sa ina nito na si Miriam. Nagpaalam daw ito sa kanya na magsisimba ngunit hindi na nakauwi.

Ayon pa rin kay Fireman Mojica, hindi napansin ng binata sa kanyang paglalakad ang malalim na hukay kaya nahulog ito. Hindi nagtamo ng anumang pinsala ang biktima, ayon sa report.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.