Lalaking wanted sa Laguna, arestado sa Zamboanga del Norte

0
219

Sta. Cruz, Laguna.  Inaresto ng pulisya ang isang lalaking wanted sa kasong pagpatay sa Laguna noong Huwebes, Disyembre 8, sa Barangay Lower Irasan, Roxas, Zamboanga del Norte.

Sinabi ni Laguna police director Col. Randy Glenn Silvio na si alyas “Ranulo,” na residente ng Barangay Lower Irasan, ay nahaharap din sa mga kaso ng qualified theft. Si Ranulo ay mayroong P90,000 na pabuya para sa kanyang pagka aresto at isang most wanted person sa national level.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Agripino G. Morga, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 32, San Pablo City, Laguna.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek.

Nasa kustodiya ng Zamboanga del Norte police si Ranulo at nakatakdang i-turn over sa Nagcarlan, Laguna Municipal Police Station

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.