Larawan ng Bamban mayor kasama si PBBM: “Prove Nothing”

0
187

MAYNILA. Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Sabado na ang kanyang mga larawan kasama ang kontrobersyal na Bamban Mayor na si Alice Guo ay “prove nothing,” at sinabing hindi siya tumatanggi sa mga nais magpakuha ng larawan kasama siya.

Inihayag ito ni Marcos Jr. nang hingan siya ng komento hinggil sa post ni Guo kung saan makikitang magkasama sila sa isang event. Nauna nang sinabi ng Pangulo na hindi niya kilala ang alkalde na nasasangkot sa illegal Philippine offshore gaming operations.

“That proves nothing. You know how many pictures I take during a campaign? Siguro isang libo sa isang araw,” pahayag ng Pangulo sa sidelines ng isang event sa Makati.

“Lahat naman ng humihingi ng selfie hindi ko naman hinihindian so it doesn’t really mean anything,” dagdag ni Marcos.

Inihayag din ng Pangulo na wala pang “definitive conclusions” hinggil sa imbestigasyon ng Ehekutibo sa Bamban mayor. Sinabi ni Guo na hindi niya alam kung bakit nairehistro lamang ang kanyang birth certificate noong siya ay 17-anyos na.

Nauna nang hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Office of the Ombudsman na suspendihin ang Bamban mayor na nasa sentro ng kontrobersiya matapos hindi masagot ang mga tanong ukol sa kanyang pagkakakilanlan sa isang Senate inquiry.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo