Lasing,nalunod sa Taal Lake

0
605

Balete, Batangas. Patay ang isang 25-anyos na binata matapos na malunod sa Taal Lake sa bahagi ng Brgy. Palsara sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ng mga tauhan ng Balete Municipal Police Station ang biktima na si Jonathan More Versoza, isang helper sa Sta. Rosa, Laguna at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Pusil, Lipa City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon at batay sa salaysay ng testigo na si Michael Acutin, diumano ay lumangoy sa lawa ang biktima kahit na ito ay lasing.

Makaraang ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nakaahon hanggang sa hindi na siya makita ng kanyang mga kasama, ayon pa rin sa testigo.

Agad na humingi ng saklolo si Acutin at napagtulungang hanapin ang biktima ngunit ng maiahon sa lawa ayt wala na itong malay.

Dinala pa ang biktima sa Metro Lipa Medical Center sa Lipa City kung saan ito ay binawian ng buhay.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ngimbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.