LDB Laguna Corporate Center binuksan sa Sta. Cruz

0
271

Sta. Cruz, Laguna. Pinasinayaan ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang tatlong palapag na corporate center sa bayang ito upang magsilbing one-stop shop para sa pagbabangko at iba pang pangangailangan sa pagpopondo ng mga lokal na stakeholder at customer.

Ang bagong corporate center ay alinsunod sa pangako ng LDP na makapagbigay ng maginhawa at madaling ma-access na mga serbisyo.

Matatagpuan ang LANDBANK Laguna Corporate Center sa Brgy. Bubukal sa Sta. Cruz. Mayroon itong mga pangunahing touchpoint ng Bangko at mga lokal na tanggapan upang magbigay ng maginhawang access sa isang malawak na linya ng mga serbisyo.

Pinangunahan ni LANDBANK President at CEO Cecilia C. Borromeo, Sta. Cruz Mayor Edgar S. San Luis, at Provincial Government of Laguna Administrator Atty. Dulce H. Rebanal ang inauguration rites para sa bagong gusali kamakailan kasama nila sina incoming Cavinti Mayor Arrantlee R. Arroyo, incoming Paete Mayor Ronald B. Cosico, at LANDBANK Director Nancy D. Irlanda.

Dumalo rin sa inagurasyon sina LANDBANK Executive Vice Presidents Julio D. Climaco, Jr., Alex A. Lorayes, Liduvino S. Geron at Alan V. Bornas, kasama sina Senior Vice Presidents Randolph L. Montesa, Althon C. Ferolino at Lucila E .Tesorero.

“With the LANDBANK Laguna Corporate Center, we are looking forward to stepping up our support to the whole Province of Laguna. We hope that this will serve as a landmark for various economic activities and a catalyst to expand areas for collaboration in support of the Province’s key sectors,” ayon kay Borromeo.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.