Leni vs BBM sa SPC, hindi pa makita ang ungusan

0
505

With due respect sa ibang kandidato sa pagkapangulo ng bansa, mas pinag uusapan at hinihintay sa lunsod ng San Pablo ang magiging resulta ng labanan sa pagitan nina VP Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos.

Hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari sapagkat matatandaan na noong nakaraang 2016 election ay sina Robredo at Marcos din ang naging mahigpit na magkatunggali sa pagka bise presidente kung saan ay si Robredo ang nakalamang ng kaunting boto dito sa San Pablo.

Maituturing na bulwarte ng parehong nabanggit na kandidato ang lungsod na ito dahil sa mga lumulutang na mga lider na nagsusulong sa kanilang kandidatura.

Kilala ang mga botanteng San Pableños sa pagiging bukas ang isipan sa pagpili sa mga kandidatong nagnanais na maglingkod, lokal man o nasyonal. Hindi uso dito ang pagsunod sa mga survey.  May kanya kanyang pulso ang bawat purok ng 80 barangay dito. 

Ang pagkapanalo dito nina dating Pangulong Cory Aquino, Miriam Defensor Santiago at kasalukuyang  Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang magpapatunay na kahit kaunti ang lantarang sumuporta ay nakuha din nila ang pagtitiwala ng mga San Pableños.

Marami ang nagsasabi na magiging maluwag ang pangangampanya ng mga national candidates sa lungsod na ito sapagkat ayon sa paya ay liyamado na ang laban ng mga kandidatong nasa kasalukuyang administrasyon. Dagdag pa dito ang obserbasyon ang bilang ng mga pumipili sa alinman kina Robredo at Marcos.

Gayun pa man, hindi pa masabi sa ngayon kung sino kina Leni Robredo at Bongbong Marcos ang makakaungos dito sa San Pablo sa darating na May 9 election. Mahaba pa ang hayhayin. Abangan natin ang susunod na ikot ng tadhana.

Photo credits: Abogado
Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.