Leon bagyo na, Signal No. 2 itinaas na sa Cagayan Valley

0
154

MAYNILA. Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical cyclone wind Signal No. 2 sa apat na lugar sa Cagayan Valley matapos magpalakas si bagyong “Leon” (international name: Kong-rey) nitong Martes.

Ayon sa PAGASA, nakataas ang Signal No. 2 sa Batanes, Babuyan Islands, eastern portion ng mainland Cagayan (Gattaran, Baggao, Lal-Lo, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Santa Ana, Pe), at northeastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Maconacon).

Samantala, isinailalim sa Signal No. 1 ang mga natitirang bahagi ng mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Aurora, at northern portion ng Quezon, kabilang ang Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real). Sakop din nito ang Camarines Norte, eastern portion ng Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay), Catanduanes, eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito), at northeastern portion ng Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat).

Ayon sa PAGASA, maaaring itaas ang Signal No. 3 o 4 depende sa patuloy na paglakas at paglapit ng bagyo sa extreme Northern Luzon. “Nananatili ang posibilidad ng Signal No. 5 sakaling maging super typhoon si Leon,” ayon sa ahensya.

Huling namataan si Leon sa layong 555 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan, at taglay nito ang maximum sustained winds na 130 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at gusts na umaabot ng 160 kph. Patuloy itong kumikilos sa direksyong west-northwestward sa bilis na 10 kph.

Inaasahan ng PAGASA na lalabas si Leon sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes o Biyernes.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.