Libo-libong ang dumalo sa #SalamatPRRD event kahit malakas ang ulan

0
213

Hindi napigil ng ulan ang libu-libong tagasuporta at tagahanga ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na dumalo sa “Salamat PRRD” thanksgiving concert kagabi sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Ayon sa pulisya, humigit kumulang na 3,500 katao ang dumagsa sa lugar na nagsilbing venue din para sa miting de avance ni Duterte noong 2016 elections.

Sa panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni event director Njel De Mesa na ang thanksgiving concert ay hindi lamang idinaos upang pasalamatan si Duterte sa paglilingkod sa bansa sa nakalipas na anim na taon, kundi bilang pasasalamat din sa mga tagasuporta at tagahanga na tumayo sa tabi ng pangulo sa gitna ng mga batikos.

Kabilang sa mga dumalo ay ang 18-anyos na si Agatha Tolentino na inilarawan ang kanyang sarili bilang “solid Duterte supporter” mula nang sumali si Duterte sa presidential race noong 2016.

“Gusto ko po masaksihan bago siya bumaba sa puwesto kasi ever since naging Presidente siya, di ko pa siya nakikita in person…Masyado akong na-amaze sa ginawa niya, for example yung ‘Build, Build, Build’ program malaking tulong sa bansa natin,” ayon sa kanya sa isang panayam.

Sinabi naman ni William Arevalo, 63, na ang pagsugpo ng administrasyong Duterte laban sa krimen at iligal na droga ay nakatulong upang maging mas ligtas na tirahan ang bansa at ang kanyang lungsod.

“Ang droga, criminal, sinugpo niya. Nabawasan ang mga adik,” ayon kay Arevalo, isang residente ng Caloocan City.

Sinabi ni Rachel Quesada na nakabase sa Pampanga na hindi siya nagdalawang-isip na dumalo sa thanksgiving event kahit na bumiyahe siya sa Maynila mula Pampanga.

“Since this will be the last time na makikita ko si PRRD during an event, kahit galing kaming Pampanga, nag-travel kami,” ayon sa pahayag ni Quesada.

Dumating si Duterte sa Quirino Grandstand ilang minuto bago mag-alas-7 ng gabi.

Dumalo ang ilang opisyal ng gobyerno sa kaganapan.

Nagtanghal ang iba’t ibang artista na sina Andrew E. Chad Borja, Dulce, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jed Madela, Jimmy Bondoc, Martin Nievera, Moymoy Palaboy, Robert Sena, at ang Philippine Philharmonic Orchestra. (PNA)

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo