Libo libong bahay ang nagiba sa lindol sa Indonesia

0
585

West Java, Indonesia. Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang Indonesia na tumama malapit sa mataong bayan ng Cianjur matapos ang tanghalian noong Lunes, na sumira ng maraming gusali at mga bahay.

Maraming tao ang nadaganan at naipit ng bumagsak ang mga pader at bubong. Kabilang ang maraming bata sa mga biktima sa humigit kumulang 80 paaralan sa lugar na  naapektuhan, ayon sa mga opisyal.

“Karamihan sa mga nasawi ay mga bata dahil ala una ng hapon, nasa paaralan pa sila,” ayon kay Henri Alfiandi ng National Search and Rescue Agency.

Hindi bababa sa 268 katao, kabilang ang maraming mga bata, ang namatay, ayon sa pinakahuling ulat. Nasa 151 katao ang nananatiling nawawala at higit sa 1,000 ang nasugatan.

Mahigit na 58,000 katao ang inilikas sa mga refugee camp na itinayo sa paligid ng lugar, ayon sa gobernador ng lugar. Binanggit niya ang report ng National Disaster Mitigation Agency na tinatayang nasa 22,000 bahay ang nasira.

Ang lindol ay nagsanhi ng pagguho ng lupa at lumubog ang buong nayon.

Karaniwan ang mga lindol sa Indonesia, na nasa “ring of fire” na lugar ng aktibidad ng tectonic sa Pasipiko.

Ang bansa ay may kasaysayan ng mapangwasak na mga pagyanig at tsunami. Mahigit sa 2,000 katao ang namatay sa isang lindol noong 2018 sa isla ng Sulawesi.

Photo credits: BBC
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.