Lider ng ‘Bayawak Gang’ patay sa pakikipagbarilan sa mga pulis

0
397

BACOOR CITY, Cavite. Patay ang itinuturing na lider ng Bayawak Gang sa isang engkwentro laban sa mga awtoridad matapos parahin upang sitahin dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo na walang plaka sa lungosd na ito.

Ang suspek ay kinilalang si Gilbert Albios y Puerto, na mas kilala sa alias na Boss ‘Bay’ ng Las Pinas City. Ayon sa ulat ni PSMS Roberto Lacasa ng Bacoor CPS, nangyari ang insidente ay naganapa bandang ala-1:30 ng madaling araw habang isinasagawa ng mga operatiba ng DSOU QCPD, Cavite S2, at Bacoor City Police Follow up Team ang casing surveillance laban sa lider ng Bayawak Gang.

Nakita ang suspek na nakamotorsiklo na walang plaka sa harapan ng Nazareth Compound, Brgy Molino 3, Bacoor City, Cavite, tinangkang sitahin ito ng mga awtoridad. Ngunit, sa halip na sumunod, pinaharurot ng suspek ang kanyang motorsiklo habang pinapuputukan ng mga operatiba.

Sa sagupaan, nagpaulan ng putok ang mga awtoridad, at nang matigil ang putukan, natagpuang nakahandusay ang suspek. Agad itong dinala sa ospital ngunit idineklarang patay na.

Ang insidente ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad upang matukoy ang iba pang miyembro ng kilabot na robbery gang.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.