Lider ng kilabot na Rey Criminal Group sa Calabarzon patay sa engkwentro

0
543

Calamba City, Laguna. Patay ang lider ng kilabot na criminal group na kumikilos sa Calabarzon matapos na makipag barilan sa mga pulis sa San Miguel, Bulacan.

Kinilala ni PLt.Col. Willy Sy, chief ng Regional Special Operation Group ang suspect na si Antonio Rey, 47 anyos na tubong Cavite at siyang itinuturong lider ng Rey criminal group na nanloloob sa mga convenient stores, hardwares at grocery stores mula pa noong 2017. 

Responsable din ang nabanggit na gang sa pagpatay  sa isang retiradong pulis at isang bodyguard ng isang negosyante.

Sinabi rin ni kay Sy na  naging aktibo at malupit ang grupo mula noong 2019 matapos magaap ang sunod sunod na insidente ng pagpatay sa lalawigan ng Cavite at Batangas kung saan ay pawang mga negosyante ang kanilang biktima.

Noong Sabado ng umaga isang tip ang natanggap ng Regional Special Operations Group (RSOG) hinggil sa pinagtataguan ng suspect sa San Miguel Bulacan. 

Agad na bumuo ng isang grupo ng operatiba ang Regional Operation Group kasama ang striking force ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang hulihin si Rey sa bisa ng warrant of arrest.

Nagsitakas ang mga suspek matapos matunugan ang pagdating ng mga pulis sa lugar ng hideout. Naiwan si Rey ng kanyang mga kasama at nakipagbarilan sa mga pulis habang naghahabulan kung saan siya ay napatay.

Nakatakas din ang kapatid ng suspek na si Jojie Rey sa naganap na raid.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.