Life-size na Black Nazarene images hindi papayagan sa ‘Walk of Faith’

0
288

Nagpaalala ang mga organizer ng susunod na kapistahan ngBlack Nazarene sa mga deboto na huwag magdala ng life-size na mga replika o imahe na mahigit sa 2 talampakan sa prusisyon ng “Walk of Faith” na gaganapin sa Enero 8, isang araw bago ang araw ng kapistahan ng itim na Hesukristo.

Sinabi ni Alex Irasga, Quiapo Church adviser na lahat ng elemento ng pagdiriwang ng kapistahan ng Black Nazarene sa Enero 9 ay naroroon maliban sa tradisyunal na prusisyon ng imahe o Traslacion.

“Our goal is to be able to conduct a ‘Walk of faith” or procession orderly, peacefully and with a high level of piety to affirm the devotion in the faith of our Lord Jesus Nazarene,” ayon sa kanya sa isang press briefing.

Inaasahan ng Nazareno 2023 organizers na magsisimula ang prusisyon alas-2 ng madaling araw at tatagal ng wala pang dalawang oras matapos itong umalis sa Quirino Grandstand.

“We will not allow images that are more than 2 feet, only allowed are replicas that can be carried by hand. We have already contacted the police that there will be checkpoints on the roads entering the Grandstand and Quiapo and all those who are carrying huge images will not be allowed,” dagdag niya.

Bago isagawa ang Walk of Faith, si Fr. Rufino Sescon Jr., rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) ang magdaraos ng midnight Mass sa Enero 8.

Hinihikayat din nila ang mga deboto na dadalo sa prusisyon na magsuot ng face mask, magdala ng alcohol at magsagawa ng social distancing.

Sa kabilang banda, sinabi ni Irasga na hinimok  nila ang mga deboto na dalhin ang lahat ng mga replika sa Plaza Miranda para ito ay mabasbasan mula Disyembre 27 hanggang 29.

Sa Enero 9, pangungunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang misa sa araw ng kapistahan sa hatinggabi sa Quirino Grandstand.

Ang imahe ng Itim na Nazareno ay makikita sa grandstand simula Enero 7, 2023. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.