Ligtas na sa online sexual abuse ang mga bata dahil sa OSEAC Law

0
808

Ipinasa na ang Republic Act 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) Law, na naging batas noong Hulyo 30 at ilang child rights groups tulad ng Child Rights Network (CRN) ang nagsabing ito ang tanda ng simula ng mas ligtas na mga online space para sa mga bata.

Ilang pag-aaral ang nagpakita na ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking pinagmumulan ng online child sexual exploitation at pang-aabuso sa mga bata sa mundo at may mabilis na pagtaas ng mga cyber tip report na pinalala ng pandemya ng coronavirus disease (Covid-19).

Sinabi ng CRN na ang dalawang bagong batas ay hudyat ng tagumpay para sa lahat ng mga child advocate at mga kampeon na nagsusulong ng isang landmark na batas na magpoprotekta sa mga batang Pilipino at magbubura sa imahe ng bansa bilang isa sa mga pinaka-delikadong lugar para sa mga bata na mag-access ng internet.

Ayon sa data mula sa National Center for Missing and Exploited Children na nakabase sa US ipinakita ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng OSAEC sa bansa sa panahon ng pandemya, na nagtala ng 209-porsiyentong pagtaas sa mga ulat ng cyber tip para sa Pilipinas, na may 1,294,750 cyber tip noong 2020 kumpara sa 418,422 cyber tip sa 2019.

Ang risk assessment report na inilabas ng Philippine Anti-Money Laundering Council noong 2020 ay nagpakita na nagkaroon ng malaking pagtaas sa mga kahina-hinalang transaksyong pinansyal na iniulat na may kaugnayan sa OSAEC noong 2020.

Mula sa 597 na kahina-hinalang ulat ng transaksyon na naitala noong Mayo 2019, ang mga numero ay tumaas sa 5,634 noong Mayo 2020.

Ang bagong batas, ayon sa CRN, ay tumutugon ng buong-buo sa matagal ng panawagan ng mga tagapagtaguyod para sa mas malakas na mga regulasyon sa online na kaligtasan ng mga bata at ginagawang ligtas ang cyberspace para sa mga bata.

Sa pagkakaroon ng RA 11930, ang mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas ay maaari na ngayong mabilis na tumugis sa mga lumalabag sa OSAEC Law at epektibong makilala na ang mga nagtatagong kriminal sa cyberspace.

Ang bagong batas ay nagbibigay-daan sa gobyerno na makipagtulungan sa pribadong sektor sa pamamagitan ng pagharang sa sekswal na pang-aabuso sa bata o exploitation materials Tiniyak din nito na ang mga technological at  iba pang practical na mga pananggalang upang maiwasan at matukoy ang recruitment at trafficking. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.