LUCENA CITY, Quezon. Nadiskubre ng Quezon Police at militar ang limang improvised explosive devices (IEDs) sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Kigtan sa Calauag, Quezon noong Lunes.
Ayon kay PCol. Ledon Monte, direktor ng Quezon Provincial Police Office, nakatanggap ang PNP at AFP ng unang report mula sa Calauag Municipal Police Station, 2QPMFC, at 85IB Philippine Army hinggil sa pagka diskubre ng isang itim na bag na naglalaman ng mga pampasabog.
Hinala ng mga awtoridad na ang mga EID ay pag aari ito ng mga rebeldeng grupo na naiwan sa nasabing lugar sa kabundukan habang nagpapatuloy ang mga tropa ng pamahalaan sa hot pursuit operation laban sa mga tumatakas na miyembro ng rebeldeng grupo na apektado ng crackdown.
Roy Tomandao
Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.