Limang taong batang babae ginahasa, pinatay ng adik sa Batangas

0
1086

Batangas City. Nakapanlulumo ang sinapit ng isang 5 taong gulang na batang babae matapos matagpuang patay­, hubo’t hubad, duguan na nakasilid sa isang garbage bag at hinihina­lang ginahasa ng isang drug suspect sa lungsod na ito, kama­kalawa.

Ayon sa report ng Batangas City Police Office (CPO), ang bangkay ng batang biktima na kinilalang si si Alejandra Magpantay ay nadiskubre habang na­kabaluktot at bahag­yang nakabalot sa itim na garbage bag sa likod ng bahay ng sus­pek na si MCNair Villa­nueva, 23 anyos, sa Brgy. Wawa, nabanggit na lungsod, noong Sabado.

Ayon kay Police Captain Richard De Guzman, city chief investigator ng Batangas CPO, ma­a­aring ginahasa muna ng suspek ang biktima bago pinatay. Gayunman, inaantay pa nila ang re­sulta ng autopsy ng bata upang makumpirma ang panghahalay at ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Bukod sa walang suot na damit, nakita ng pulisya ang mga sugat at pasa sa katawan ang biktima na pruwebang pinahirapan ng suspek. May dugo rin sa ari ng bata na senyales na ginahasa ito.

Si Villanueva ay sina­sabing nalulong sa droga at dati nang may drug case.

Sinabi ni De Guz­man­­­ na unang humingi ng tulong ang pamilya ng bik­tima sa barangay at pulisya matapos ang pag­­kawala ng nasabing bata.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng pu­lisya, naaresto ang suspek sa Brgy. Wawa, isang araw matapos ang insidente. 

Ang suspek ay dati ng inaresto ng mga awtoridad sa pagkakasangkot sa illegal drugs at nakalabas lamang sa kulungan matapos mag­hain ng “plea bargain” sa korte.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.