Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang limang “top most wanted persons” (MWPs) sa lalawigang ito sa isinagawang serye ng manhunt operations sa mga lungsod ng San Pablo City, Calamba, San Pedro, at bayan ng Bay.
Kinilala ni Laguna Police director, Col. Rogarth B. Campo, ang mga nadakip na MWPs na sina Modesto Bobias Jr, 73-anyos; Dave Baldemor, 29; Mark Aldrin Conception, 21; Teofilo Alcantara,42; kagawad ng Brgy. Paliparan, Calauan, Laguna, at Jesus Edora alias “Gisut”, 61.
Ayon kay San Pablo City Police Office Chief PLTCOL Garry C. Alegre, ang septuagenarian na si Bobias ay naaresto sa kanyang bahay sa Brgy. San Pedro, San Pablo City sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte sa Laguna sa kasong statutory rape. Siya ay nakatala bilang top 1 MWP sa San Pablo City.
Si Baldemor ay may nakabinbin namang warrant of arrest sa kasong rape sa isang menor-de-edad noong Marso 10, 2022, sa Regional Trial Court, Branch 33, sa Siniloan, Laguna.
Ang pag-aresto rin kay Conception sa Brgy. Masaya, Bay, Laguna ay base sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu noong Enero 12, 2022 ng RTC 4th Judicial Region Branch 79, sa Morong, Rizal. Siya ay nakatala bilang Top 1 MWP sa Bay, Laguna, ayon naman kay PLTCOL Arnel Pagulayan, hepe ng Calamba Police, naaresto nila sa Brgy. Real St., Calamba City sina Kagawad Alcantara, nasa Top 4 MWP ng lungsod at Edora na Top 10 MWP ng Laguna Police Provincial Office.an ng Bay.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.