Limitadong pagbabalik sa F2F classes ‘so far, so good,’ ayon sa DepEd

0
575

Nagbigay ng positibong rating ang Department of Education (DepEd) sa progresibong pagpapalawak ng limitadong face-to-face classes sa buong bansa.

Sa virtual press conference nitong Biyernes, iniulat ng DepEd na 14,350 pampubliko at pribadong paaralan na kinasasangkutan ng 2,562,514 na mag-aaral ang nominado para  sa pagpapatuloy ang physical classes.

Sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na matagumpay ang pilot classes at ang paghahanda, batay sa mga inisyal na assessment.

“Wala naman tayong casualty at saka positive naman ang assessment mismo ng learners, the parents, local governments, and of course our school officials,”ayon sa kanya.

Sinuportahan ito ni Assistant Secretary Malcolm Garma si Briones, at sinabi na ang mga mag-aaral at guro ay labis na nasasabik at masigasig tungkol sa personal na pagpapatuloy ng klase, bagaman ito ay nananatiling limitado.

“They are now very active, despite the absence in two years na walang face-to-face. We also have learners who can write well, and there are also those who can read, but of course, there will be those who are left behind. And this is what the teachers must do. They need to improve those who are already good and provide intervention to learners needing intervention,”ayon sa kanyang paliwanag.

Noong Marso 17, may kabuuang 9,353 na paaralan (8,972 pampubliko; 381 pribado) ang nakikilahok sa limitadong harapang klase.

Sinabi ni Briones na nasa malapit silang koordinasyon sa Department of Health upang talakayin ang mga hakbang sa pagpapaluwag ng restrictions para sa karagdagang pagpapalawak, lalo na sa lumalakas panawagan mula sa economic team ng gobyerno na palakasin ang pagbubukas ng mga in-person classes.

“Crucial ang education sa pagpapalago ng ekonomiya, very important ito (Education is crucial to boost the economy. It is very important). Supposedly, they belong to the social development sector. But actually, we are a major player in the economy,” ayon kay Briones.

Idinagdag ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan na isinasaalang-alang ng DOH ang pediatric vaccination rate upang bigyang-daan ang relaxation ng mga guidelines.

“We are not rushing that, as mentioned by the DOH, mahalaga ‘yung pag-accelerate ng pediatric vaccination to make those relaxations permissible. What we see kung tuloy-tuloy itong sitwasyon, hindi nalalayo ‘yan ,” ayon sa kanya

Inulit din ng DepEd na maaaring magsagawa ng limitadong in-person o virtual end-of-school rites ang mga paaralan, lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1 at 2, na napapailalim sa health protocols.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo