Live-in partner na nagbenta ng sanggol, arestado

0
144

Arestado ang mag-live-in partner sa isang entrapment operation sa Pangasinan dahil sa pagbebenta ng kanilang tatlong linggong sanggol sa isang undercover agent ng National Bureau of Investigation (NBI).

Unang nag-post ang mga suspek na sina Reynante Ladaran at Margie Lauag sa social media na available for sale o adoption ang kanilang sanggol sa halagang P300,000. Tinutukan ito ng non-governmental organization na Project Rescue Children, at nagkonsulta sila sa NBI at nagkasa ng isang operasyon.

Sa ulat ni Atty. Fabienne Matib, agent in charge ng NBI-Alaminos District Office, nagpanggap ang isang ahente ng NBI bilang bibili ng sanggol. Agad na na-entrap ang mag-live-in partner nang tanggapin na nila ang markadong pera.

Ang dalawang suspek naayon sa ulat, sina Ladaran at Lauag na mga residente ng Kalinga sa Alaminos City, Pangasinan ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act. Samantalang ang sanggol ay inilipat sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.