Live-in partner, timbog sa anti illegal drugs ops

0
272

Bay, Laguna. Arestado ang isang mag live-in partner sa ilalim ng anti-illegal drugs operations na ikinasa ng municipal police station (MPS) sa bayang ito.

Nakuha ang halagang Php 120K na hinihinalang shabu sa mga suspek na kinilalang ni Laguna Provincial Police Director Cecilio R. Ison Jr. na sina Regin S. Bangay, 37 anyos na construction worker; at Jacquelyn A. Tobias, 32 anyos na residente ng Brgy. Tranca Grand Villa Bay, Laguna.

Ayon sa ulat ni Police Major Jameson E. Aguilar, hepe ng Bay MPS, nahuli sa akto ang mga suspek na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Ang suspek na si Bangay ay naaresto na noong 2013 at 2019 sa kasong pagmamay-ari at pagbebenta ng shabu samantalang si Tobias ay dati na ring naaresto sa bayan ng Pangil dahil din sa nabanggit na kaso.

Nasa pangangalaga ngayon ng Bay MPS ang mga suspek at nakatakda silang muling humarap sa kasong paglabag sa section 5 at 11 ng Dangerous Drugs Act of 2022 (RA 9165) sa Prosecutor’s Office.

“Nakakalungkot at nakakadismaya kapag ang mga magulang ay parehong involved sa illegal drugs. They are putting at risk and ripping off their children’s future, ” ayon kay Ison.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.