Livelihood Training ng MSMEs itinaguyod ng Negosyo Center Mabitac SLO

0
305

Mabitac, Laguna. Nagbigay ng livelihood training sa SME’s sa bayang ito ang The Department of Trade and Industry – Laguna Provincial Office (DTI-Laguna) sa pamamagitan ng Negosyo Center Mabitac at ng local government unit ng nabanggit na bayan.

Kabilang sa idinaos na programa ang oryentasyon tungkol sa mga serbisyo ng Departamento at pagsasanay sa manufacturing ng dishwashing liquid, fabric conditioner, powder detergent at hand liquid soap.

Nag aral din ang mga kalahok tungkol sa pagnenegosyo na ginanap sa Brgy. Nanguma, Mabitac, Laguna, noong Hulyo 29, 2022.

Naglalayon itong makapagbigay ng negosyong pangkabuhayan at lumikha ng isang kumikitang negosyong sa pagbebenta ng dishwashing liquid, fabric conditioner, powder detergent at hand liquid soap.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.