Local airlines: Hindi na kinakailangan ang face mask sa mga flight

0
125

Inanunsyo ng mga lokal na airline na Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific (CEB), at AirAsia Philippines noong Lunes na hindi na kinakailangan ang pagsusuot ng face mask sa mga flight. Ang advisory ay kasabay ng pahayag ng Malacañang nitong nakaraang weekend na ipinawalang-bisa na ang state of public health emergency dahil sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Philippine Airlines welcomes the lifting of the mask mandate and other Covid protocols,” sabi ng PAL sa kanilang pahayag, at idinagdag na ito ay isang malaking palatandaan ng pagbalik sa normal na paglalakbay sa eroplano.

Binanggit din ng flag carrier na patuloy nilang susundin ang mga safety procedure tulad ng pag-disinfect ng mga surface ng eroplano pagkatapos ng bawat flight, gayundin ang paggamit ng HEPA filters at advanced airflow system sa loob ng cabin.

Samantalang, inanunsyo rin ng AirAsia Philippines na hindi na kinakailangan ang face mask sa mga domestic flight, ngunit ang mga health protocols sa mga international destination ay mananatili.

Iginiit din ng airline na patuloy pa rin nilang isasagawa ang deep cleaning at pag-sanitize ng eroplano. 

“There is no room for complacency in the airline business. We want our guests to feel secure when they fly with AirAsia. Although it is no longer a policy, guests, and crew may still opt to wear face masks whenever they deem necessary,” ayon sa low-cost carrier sa kanilang pahayag.

Samantala, sinabi ng CEB na simula sa July 24 ay wala nang kinakailangang face mask mandate sa mga flight nila.

Pinayuhan naman ng airline ang mga pasahero na patuloy na isagawa ang minimum health standards tulad ng pag-di-disinfect, paghuhugas ng kamay, at physical distancing kung kinakailangan.

Hinihimok din nila ang mga pasahero na mag-check-in online para sa contactless na proseso.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.